Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan para sa taong 2021, inihanda ng DMMMSU Sentro ng Wika at Kultura ang isang webinar na may temang “SIRIB: Gramatika Iloko ken Panagputar iti Daniw”.

Ang nasabing webinar ay isasagawa na may layong dalumatin ang pagbabagong naganap sa gramatika at panitikang Iloko sa nakalipas na mga taon.


Ang webinar ay ginanap noong Abril 30, 2021 mula ika-10 ng umaga hanggang ika-12 ng hapon. Ito ay bukas sa lahat ng guro, mag-aaral, mananaliksik at manunulat na naglalayong palalimin pa ang kaalaman sa gramatika at panitikang Iloko.

Ang lahat ng lalahok ay pagkakalooban ng e-sertipiko pagkatapos makompleto ang ebalwasyon na ibibigay.