LA UNION – Malugod na ipinaabot sa publiko ni Atty. Benjamin Sapitula, presidente ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) LA Union, na tinanghal bilang number 1 o 2017 Most Eco-Friendly and Sustainable Campus sa buong bansa ang DMMMSU North La Union Campus, sa Sapilang, Bacnotan, La Union.

Sinabi ni Sapitula na sa naturang kompetisyon ay kinilala ang DMMMSU-NLUC na may pinakamagandang eco-friendly programs and activities, na humihikayat sa iba pang mga unibersidad para mas maging aktibo sa pakibabahagi sa mga environmental issues.

Ang mga programa na makakatulong para mabawasan ang epekto ng climate change at kalamidad.

Ang naturang kompetisyon ay inorganisa ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-EMB), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd) sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kompanya.

Aabot sa kabuuang 48 public at private schools ang nakibahagi sa national finals ng 2017 National Search for Sustainable and Eco-Friendly Schools, na kinabibilangan ng 17 elementary schools, 17 high schools at 14 na universities/colleges.

Nag-uwi naman ang DMMMSU NLUC ng P50,000 bilang first prize, P40,000 second prize; P30,000 para sa third prize.

Source: http://www.bomboradyo.com/unibersidad-sa-la-union-eco-friendly-sa-buong-bansa/